Subscribe

Comment Feed (RSS)

Powered By

Skin Design:
Free Blogger Skins

Powered by Blogger

21 May 2010

ganun ba ko kasama, kalala, na di lang isang ate ang nagtangkang umalis na ng bahay pero DALAWA, dahil sa akin?

wala na lang akong magawang tama. Bakit ba kasi ang bobo bobo mo, ang tamad tamad pa. sabi mo magbabago ka na, pero ganyan ka pa rin.

Bakit yung mga pinakamamahal mo, yun pa yung kailangan mo pang pagtrabahuhan na ibigin ka rin. Meron kayang philo/psychological answer dito? Paano kaya kung wala na lang akong paki? Meron namang mga pamilya na kayang tumakbo ng ganun. Wala na lang kibuan, wala na lang pakihan. Siguro yung problema ko, masyado ako nagpapaapekto, at di ko alam kung paano ipa-bounce na lang yung mga masasakit na salita, na baka nabitaw lang sa galit....

Eh kasi totoo naman eh diba. Matabang, pangit na puta nga naman. Tanga't kadire. Walang kwenta, walang respeto, walang paki sa iba.

Eh kasi totoo naman diba.

Alam kaya nilang masakit? Sa bagay, gusto mo rin naman ako sigurong saktan. So masaktan na lang rin noh, dahil kung yun lang ang magagawa ko para mapasaya ka, kahit konti... O di masaktan at magdugo na lang ako.